QCU, isa ng CHED-Recognized Higher Education Institution!
Mahalaga para sa administrasyon ni Mayor Joy Belmonte na masigurong makatatanggap ng de-kalidad na edukasyon ang mga kabataang QCitizen. Dahil sa dedikasyon at mabilis na aksyon ng pamunuan ng QCU, kinilala ng Commission on Higher Education (CHED) ang QCU bilang isang full pledged higher education institution.
Matapos ang mahigit 27 taon, natanggap ng Quezon City University (QCU), sa pangunguna nina QCU Board of Regents Chair, Mayor Joy Belmonte, at University President Theresita V. Atienza, ang Certificate of Recognition bilang isang full pledged higher education institution mula sa Commission on High Education (CHED).
Nagpapatunay ito na kinikilala ng CHED ang kakayahan at kapasidad ng QCU na makapagbigay ng de-kalidad at magandang uri ng edukasyon sa mga kabataan ng ating lungsod. Dahil sa pagkilalang ito, eligible na ang mahigit 8,000 estudyante ng QCU na makatanggap ng mga benepisyo tulad ng libreng tuition, scholarships, at iba pang financial assistance.
Talagang kumikilos ang ating pamahalaan para sa mga kabataan ng Quezon City.