USAID-EDC pinagkatiwalaan ang QCU, Executive Course para sa mga barangay leaders lumalarga na
Nakatanggap ang QCU ng Php750,000.00 grant mula sa USAID Opportunity 2.0 Program para sa QCU Executive Course for Barangay Leaders on System Delivery Support for the Out of School Youth program. Patunay na pinagkakatiwalaan ang Unibersidad hindi lamang sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon kundi sa pagsasagawa ng mga programang kapaki-pakinabang para sa mga QCitizens.
Noong November 27, 2021, inilunsad ang QCU Executive Course for Barangay Leaders on System Delivery Support for the Out of School Youth o QCU BLeSDS for the OSY Executive Course. Isa itong six-month executive training online program na pinopondohan ng United States Agency for International Development (USAID) Opportunity 2.0 Program sa pamamagitan ng Education Development Center (EDC) para tulungan ang mga barangay officials, youth leaders, community organizers kabilang ang mga OSY completers ng Alternative Learning System (ALS) at TESDA courses para mas maintindihan ang sitwasyon ng mga OSYs sa ating lungsod. Sa pagtatapos ng programang ito, inaasahang makabubuo ang mga kalahok ng mga detalyadong programa na tutugon sa pangangailangan ng mga QCitizens na OSYs.
“…nitong pandemya, maraming estudyante ang naapektuhan. Karamihan sa kanilang mga pamilya ay nawalan ng pagkakakitaan. Kaya may iilan rin ang pansamantalang tumigil sa pag- aaral… may iilan pa ring napilitang hindi mag-aral para tumulong sa pamilya. Ang end-goal o layunin natin bilang mga leader ng ating lungsod ay ang matulungan ang ating mga out-of- school youth,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte, ang chairman ng Board of Regents ng QCU
Natatangi ang programang ito sapagkat unang beses pa lamang na makatanggap ng USAID-funding ang QCU. Tunay na pinagkakatiwalaan ang ating Unibersidad sa pagsasagawa ng mga programang makatutulong sa ating komunidad.