Libreng Tuition sa QCU, ganap na!

Libreng Tuition sa QCU, ganap na!

Sa matyaga at dedikadong pagkilos ng pamunuan ng QCU sa pangunguna ni Board of Regent Chair Mayor Joy Belmonte, nasiguro na ang mga estudyante ng Unibersidad ay makatatanggap ng libreng tuition at tulong mula sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST. Tunay ngang mahalaga para sa QC government na maaabot ng mga QCians ang kanilang mga pangarap!

Dahil sa Certificate of Recognition na natanggap ng Quezon City University mula sa Commission on Higher Education (CHED), nasiguro rin na makatatanggap ang QCU ng mahigit Php67 million na benepisyo mula sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST. 

Pinagisa ng UniFAST ang lahat ng college assistance program ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Simula ng maisabatas ito noong 2015, marami ng mga estudyante mula sa iba’t ibang state universities and colleges (SUCs) at CHED-recognized local universities and colleges (LUCs) ang nakinabang sa libreng higher education, scholarship assistance, student loan programs, at iba pa.

At matapos ang mahigit limang taon mula nang maisabatas ang UniFAST, hindi na mahuhuli ang mga QCians dahil kasama na tayo sa benepisyaryo ng naturang programa bilang isang CHED-regonized institution.

Libreng edukasyon, nasa ating mga kamay na!

Similar Posts