Quality education para sa mga Persons with Disabilities, abot-kamay sa QCU
Mas tiyak na kinabukasan ang hatid sa mga mag-aaral ng QCU na persons with disabilities kasi eligible na sila sa Tertiary Education Subsidy na hanggang Php30,000 bawat taon! Walang maiiwan dahil may JOY mag-aral sa QCU.
Dahil sa Certificate of Recognition na natanggap ng Quezon City University mula sa Commission on Higher Education (CHED), pwede na ring makatanggap ang mga PWDs na nag-aaral sa ating Unibersidad ng benepisyong umaabot sa halagang Php30,000 taon-taon.
Kasama ang benepisyong ito na makukuha mula sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST na itinakda ng RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Nakamit natin ang eligibility sa mga benepisyong ito sa pagpupursigi ng pamunuan ng QCU sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte. Tunay na walang maiiwan dahil may JOY mag-aral sa QCU.