Mga graduating students ng QCU na magbo-board exam, eligible na sa Php10K na benepisyo!

Mga graduating students ng QCU na magbo-board exam, eligible na sa Php10K na benepisyo!

Ang mga magtatapos na QCians na kukuha ng board o licensure exam ay pwede na ring mag-apply para sa maximum na Php10,000 one-time reimbursement. Hanggang sa pagkamit ng pangarap na professional license, may JOY talagang mag-aral sa QCU!

Bukod sa libreng tuition at iba pang school fees, ang mga QCians natin ay eligible na makakuha ng marami pang benepisyo mula sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST. Isa na rito ang assistance para sa mga magte-take ng board exam!

Batay sa tinatakda ng RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ang mga graduating students mula sa alinmang CHED-recognized state at local universities and colleges katulad ng Quezon City University na kukuha ng board o licensure examination ay eligible na mag-apply ng one-time reimbursement na aabot sa Php10,000.00!

Totoo nga, may JOY talagang mag-aral sa QCU!

Similar Posts