Mga Laptop at Wifi libre ng nagagamit ng mga QCians

Layunin ng QC Government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte na masigurong ang mga estudyante sa lungsod ay patuloy na makapag-aaral sa gitna ng pandemya. Kaya naman sa QCU, ang lahat ng estudyante ay pinagkalooban ng libreng laptop at wifi na magagamit nila sa gitna ng Covid-19 pandemic. Sa QC, walang mag-aaral na maiiwan. 

Bilang tugon sa krisis dulot ng Covid-19 pandemic kung saan nalimitahan ang mga face-to-face classes, nag-allot ang QC Government ng mahigit Php168 million para sa mga laptops na nagagamit ngayon ng mga estudyante at guro ng Quezon City University. Mahigit Php9 million naman ang inilaan para sa mga pocket wifi. Bukod pa riyan, naglaan din ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte ng pondo para sa internet load allowance ng mga estudyante at guro ng QCU.

Siniguro ng aksyong ito na walang maiiwan sa distance learning mode ng edukasyon ngayon. Kapit-bisig na kumikilos ang ating pamahalaang lungsod para matiyak na ang mga QCians ay manatiling nakakukuha ng dekalidad na uri ng edukasyon online man o hindi.

Similar Posts