Gawad Parangal for Local Universities and Colleges (LUCs) in National Capital Region (NCR)

Kinilala at iginawad ng Commission on Higher Education (CHED) sa iba-ibang kolehiyo at lokal na unibersidad sa Metro Manila ang Gawad Parangal kung saan maaari ng bigyan ng subsidiya ng CHED ang mga kolehiyo na ito. Dagdag pa rito, maaari na ring mabigyan ang mga kwalipikadong mag-aaral ng scholarship. Ito ay alinsunod sa Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Isa ang Quezon City University sa mga unibersidad na binigyan ng certification of recognition noong nakaraang buwan. Sa tulong ng Institutional Recognition, 8,400 mula sa QCU ang maaaring mabiyayaan ng scholarship ng CHED sa tulong ng UniFAST Program.

Nagpahatid naman ng pasasalamat si Mayor Joy Belmonte sa CHED sa pangunguna ni Chairman J. Prospero De Vera III dahil malaking tulong ang pagkilala na ito para sa pag-aaral ng mga QCitizen scholars ng QCU.

Similar Posts