Itinalaga Bilang Bagong Presidente ng Quezon City University si Dr. Theresita V. Atienza
Itinalaga bilang bagong presidente ng Quezon City University si Dr. Theresita V. Atienza, dating Vice President for Academic Affairs at tumayong Dean sa National Defense College of the Philippines. Miyembro rin siya ng Senior Advisory Board ng Armed Forces of the Philippines-Command and General Staff College sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang panunumpa ni Atienza, kasama sila Vice Mayor Gian Sotto, at Ms. Aly Medalla, Head ng Quezon City Education Affairs Unit.
Alinsunod sa SP-2812, s-2019 o ang Amended Quezon City University Charter, ang Search Committee For President na binubuo ng mga kinatawan mula sa Academe, Business Sector, Civil Service Commission, Association of Local Colleges and Universities (ALCU), and the Commission on Higher Education (CHED) ay nakatanggap ng 19 mga aplikasyon para sa pagkapresidente ng QCU.
Pagkaraan ng mahabang proseso ng screening, interview, at public forum and presentation, itinalaga ng mga myembro ng QCU Board of Regents si Dr. Theresita V. Atienza.