Quezon City University, May Safety Seal Na!

Bumisita ang ilang kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City University, kaninang alas-9 ng umaga, ika-24 ng Pebrero, taong kasalukuyan, upang pirmahan ang Safety Seal Certification na tinanggap naman ng Presidente ng ating unibersidad na si Dr. Theresita V. Atienza.

Ang Safety Seal na mula sa DILG ay isang patunay na sumusunod ang isang organisasyon sa minimum public health standards na ipinatutupad sa kasalukuyan ng pamahalaan. Kasama na rito ang maayos na bentilasyon sa mga gusali, pagsunod sa social distancing at iba pang mga hakbang na makapipigil sa paglaganap ng COVID-19. Patunay rin ito na kabilang ang ating unibersidad sa paggamit ng staysafe.ph para sa contact tracing. Lahat ng ito ay paghahanda upang magbigay daan sa pagbubukas muli ng unibersidad para sa mga estudyante nito.

Kasamang nag-ikot at nag inspeksyon ang mga kinatawan ng DILG na sina Ms. Dei Tality, Ms. Jovette Genona, Ms. Phoebe-Jem Tamondong, at mga kagalang-galang na sina Police Corporal Mark Anthony Pagarigan, Police Officer Edwin Diciano at Police Officer Conrado Fabrigas Jr., upang suriin ang pagsunod ng ating sintang paaralan sa Minimum Public Health Standards (MPHS) at aplikasyon sa ilalim ng nasabing sertipikasyon.

“The Safety Seal will be a warm welcome for the people as they enter to dine, purchase, or visit a certain structure or building.” – DILG Undersecretary and Spokesperson, Jonathan E. Malaya.

Similar Posts